Ruru nagpasilip ng katawan sa bagong summer billboard

NA-EXCITE ang mga fans ng Sherlock, Jr. star na si Ruru Madrid nang makita ang kanyang sexy billboard para sa ineendorso niyang apparel brand.

Sabi ng isang netizen, “Ruru made us go gaga! Hotness overload!” E, kasi nga, talaga namang nakakapukaw ng atensyon ang ngiti ng binata sa nasabing billboard.

Sa Instagram account ng Kapuso heartthrob bumuhos ang magagandang feedback mula sa kanyang followers. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil ipinasilip ng binata ang ilang highlights ng kanyang summer pictorial.

Sey pa ng isang die hard fan ni Ruru, “Grabe! Petmalu ka talaga lodi! Ikaw na ang youngest Ultimate Hunk para sa amin! Go go go Ruru!”

Samantala, patuloy pa ring umiinit ang mga tagpo sa Kapuso primetime series na Sherlock Jr. na napapanood pa rin after 24 Oras. Tutukan ang iba pang mga nakaka-shock na kasong kailangang resolbahin nina Sherlock at Sari, the wonder dog.

Read more...