Pinababa ang may 900 pasahero ng tren ng Metro Rail Transit 3 kaninang umaga dahil sa problema sa kuryente ng makina nito.
Ayon DoTr-MRT, pinababa ang mga pasahero sa northbound sa Guadalupe station alas-8:40 ng umaga.
“One cause of the above-mentioned failures is worn-out train components,” saad ng advisory ng MRT.
Dumating naman ang sumunod na tren alas-8:49 ng umaga upang isakay ang mga pinababang pasahero.
Hinila ang tren at dinala sa depot kung saan ito kukumpunihin.
MOST READ
LATEST STORIES