Nanay ni Janella mas tumindi pa ang galit kay Elmo: No more lies, please!

JANELLA SALVADOR, JENINE DESIDERIO AT ELMO MAGALONA

NAGPAKITA ng suporta si Lea Salonga kay Jenine Desiderio sa patuloy na pagbi-beast mode nito sa social media laban sa “gatecrasher” sa ginanap na family reunion nila noong holiday season.

Magkaibigan ang dalawang singer na parehong naging bahagi ng Broadway musicale na “Miss Saigon” noon.

Ayaw tantanan ng nanay ni Janella Salvador ang nasabing personalidad na nauna na niyang tinawag na sinungaling dahil sa pagdedenay nito tungkol sa pagiging gatecrasher sa kanilang family gathering.

Kahit na hindi pinapangalanan ng singer-actress, naniniwala ang netizens na ang rumored boyfriend ni Janella na si Elmo Magalona ang kanyang tinutukoy.

Nagdenay na pareho sina Elmo at Janella tungkol dito at ilang beses na ring nagpainterbyu ang binata sa press kung saan ipinagdiinan niyang hindi siya ang tipong pupunta sa isang okasyon kahit hindi siya imbitado.

Sagot naman ni Jenine, “Lie if you must to save your ass but not at my expense.”

Sa panibagong aria ni Jenine sa Facebook pinanindigan ng singer na, “Gatecrasher sya talaga. That’s the truth. Ask the fam. No more lies please.

“The one who brought this person was not the one hosting the party & did not inform anyone that she invited a non-family member to a family reunion. Nor was this ok with the family as they both claim.

“This is fine under normal circumstances if this person did not cause the major break up of a family.

“But…. I’m so tired of being maligned & painted out of line. Please know the facts from all sides before judging & reacting. Thank you,” ani Jenine sa FB.

Dito na nag-comment si Lea ng, “Won’t judge. Hugs to you Jenine.”

Sa isa pang FB status niya, nag-sorry ang nanay ni Janella dahil sa kanyang delayed reaction. Aniya, “Sorry for the delayed reaction. It’s only now I saw/read some interviews & comments. Tao lang po. Hindi ako si Darna.”

May isang netizen ang nagkomento na baka raw nagsasabi naman ng totoo si Elmo, pero agad itong binasag ni Jenine, “No. They lied in interviews abt this.”

Samantala, isang fan ni Elmo ang nagtanong kung bakit tila nananahimik lang ang ina nitong si Pia Magalona tungkol sa isyu. Sana raw ay ipagtanggol naman nito ang binata laban kay Jenine.

Read more...