Mga pasahero ng LRT-1 pinababa dahil sa ‘air pressure problem’

LRT

ILANG minuto matapos pababarin ang mga pasahero ng Metro Rail Transit line-3 (MRT-3) sa pagitan Mandaluyong City, pinababa rin ang mga mananakay ng Light Rail Transit line 1 (LRT-1) matapos ang nangyaring aberya kaninang umaga.

Tinatayang 120 pasahero ng LRT-1 ang pinababa sa R. Papa station ganap na alas-6:40 ng umaga matapos makaranas ang isang tren ng “air pressure problem”, ayon kay Line 1 operations manager Rod Bulario.

Umabot ng 10 minuto bago naayos ng mga maintenance personnelang problema sa air pressure, dahilan para mabalam ang operasyon ng LRT-1.

Bumalik naman ang operasyon LRT-1 makalipas ang 30 minuto.

Read more...