Bumisita kamakailan ang kontrobersyal na international singing sensation na si Charice Pempengco sa set ng Talentadong Pinoy Worldwide. Si Charice ang special celebrity Talent Scout ngayong Linggo. Namangha si Charice sa galing ng mga contestants na sumali. Tulad nito, world class din kasi ang mga pambato ng sikat na talent show ng Kapatid Network.
Dapat ding abangan ang kulitan na naganap sa set, lalo pa’t kasama ni Charice sa panel sina Tuesday Vargas at Direk Joey Reyes. Huwag palampasin ang kapanapanabik na episode na ito ngTalentadong Pinoy Worldwide. Mapapanood na ito ngayong gabi, 7:30 p.m. sa TV5.
Anyway, nagpapasalamat naman si Charice sa pagsuporta sa kanya ni Aiza Seguerra, touched ang international singer sa mga naging pahayag sa kanya ni Aiza bilang isa ring tomboy. Nakarating na sa kanya ang magagandang sinabi ni Aiza tungkol sa tunay niyang kasarian.
Ayon pa kay Aiza, dapat daw siyang magpakatatag at maging maligaya ngayong open na open na nga ang kanyang pagkatao sa buong mundo. Sey pa ni Charice, malaki rin ang respeto niya kay Aiza at hinahangaan rin niya ito pagdating sa pagpe-perform. Gusto rin daw ni Charice na makasama sa isang entablado si Aiza at mag-perform silang dalawa.