Cong. Karlo pabor sa dagdag-incentives, mas mababang tax para sa Pinoy movies

MAHIRAP ngunit na-enjoy nang bonggang-bongga ni Cong. 1st District Davao City Rep. Karlo Nograles ang pagiging chairman ng nakaraang 2017 Metro Manila Film Festival.

Dito napatunayan ng kongresista na promising pa rin ang future na naghihintay para sa mga Filipino films at kung magtutuluy-tuloy ang paggawa ng mga de kalidad at entertaining na pelikula ng mga producer para sa MMFF, siguradong tataas pa ang kita ng taunang festival sa bansa.

“On technicality, of course, Hollywood still has the edge with their computer generated imagery (CGI). But the Filipino film industry has made great strides in polishing some of our graphics, particularly in fantasy films,” ani Nograles nang makachika ng mga entertainment editors kamakailan.

Sa tanong kung paano pa ba mas mapapabongga ng mga producer ang mga Pinoy movies, “I think the focus should be on making more quality films rather than pandering to what the market seems to want. We’ve had really great Filipino films but didn’t prove to be commercially successful.

“So, I think the audience should have more venues to appreciate quality films in such a way that they don’t have to choose between artistic quality or commercial appeal,” aniya.

Sa tingin niya ano pa ang pwedeng maibigay na tulong ng gobyerno sa local film indfustry? “Maybe in areas of taxation like amusement taxes. There has always been a call to decrease amusement taxes. Big producers can afford the fees but what about indie or regional producers who have limited fund source?

“The government can also give support to the local film industry on the aspects of production, wherein more fund grants can be given to produce quality films, story wise. Sadly, good stories normally do not get funding from big utifts who focus oin the marketability of artistas than the story.

“On the aspect of marketing, there should be a policy to increase screenings of local films in cinemas,” paliwanag pa ng kongresista, na kasalukutang chair of the appropriations committee sa House of Representatives.

Isa raw sa mga talagang nagustuhan niyang entry sa 2017 MMFF ay ang musical na “Ang Larawan” na inilarawan niyang “a big jump, a big leap” sa movie industry na matapang na lumaban sa festival kahit na isa itong malaking sugal sa mga producer.

Talagang mahilig daw sa Pinoy movies ang kongresista mula sa Davao, alam n’yo bang ilan sa mga favorite niya ay ang mga pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo? Nu’ng bata naman siya, ang naaalala niyang mga napanood niya ay ang mga pelikula nina Joey de Leon and Rene Requiestas.

Natatandaan pa nga raw niya kung ano ang unang pelikulang pinanood nila ng kanyang asawang si Marga noong nagde-date pa lang sila, “The Incredibles, hindi ko rin ‘yun makakalimutan.”

May konek din sa mundo ng showbiz ang asawa ni Cong. Karlo na si Marga dahil sa pagiging fashion designer at owner ng Kaayo Modern Mindanao (ethic inspired clothes). Dalawa sa mga kliyente niya ay sina Marian Rivera at Sen. Loren Legarda.

May tatlo na palang anak ngayon ang mag-asawa, sina Karlos Mateo, Kristian Massimo at Katarina Mikaelle.

Read more...