Ogie Diaz botong-boto raw kay Erich para gumanap na Darna

ANG bagong tayong studio ni Ogie Diaz na Meerah Khel ay ipinangalan niya sa bunsong anak dahil itinuturing nga nila itong “miracle baby”.

Isinilang kasi si Meerah na wala pa sa tamang buwan kaya kinailangan nitong maiwan sa ospital nang mahigit apat na buwan.

Isinurender ni Ogie ang lahat sa Diyos basta lang mabuhay ang bunsong anak na nagdiwang na nga ng kanyang 1st birthday kaya ang nasambit ng TV-radio host/comedian, “Wala talagang imposible sa Diyos. Nakakatuwa dahil masayahing bata si Meerah.”

Extension lang ng kanyang sariling talent management office ang bagong studio dahil dumarami na ang workshoppers niya (edad 7 hanggang 40).

“Actually, Ogie Diaz Productions pa rin itong Meerah Khel Studio, kaya ko ito ipinagawa dahil nalalapit na ang summer workshop for acting, voice lessons at hosting. E, wala pa namang nagtuturo ng hosting workshops kaya bubuksan ko ngayon.

“Ang mga facilitator ko na magtuturo si Bob Novales, the voice behind ASAP, si MJ Felipe para sa TV at si Boy Villarama for events hosting. Crash course lang itong offer namin.

“Sa acting naman ang mga facilitator sina Aiko Melendez, Candy Pangilinan, Beverly Salviejo, Ron Morales at Lester Llansang. Marami na rin kaming nabigyan ng mga guesting among the workshoppers na alam naming may potential, so inilalako ko sa ABS-CBN mismo,” pahayag ni Ogie.

Nilinaw ni Ogie na kapag nakitaan niya ng potential ay talagang natutulungan niyang mabigyan ng trabaho, pero kung wala ay kailangan uling sumailalim sa level-up na workshop.

Tinanong namin kung anu-anong shows na ang nilabasan ng produkto ng Ogie Diaz Productions, “Yung anak ni Ace Vergel, nasa No Ordinary Love (serye), si Ace Kim Vergel. ‘Yung iba, mga Class A talents na nasa Blood Sisters, La Luna Sangre as Moonchasers.

“Ako kasi ang hawak ko sina Liza Soberano, Isabel Ortega, Heaven Peralejo, si Hashtag Kid, Ron Morales, si Jobert Austria (komedyante), sa akin na rin siya,” kuwento pa ni Ogie.

Nagsimula raw noong 2015 ang workshop niya, sa unang taon ay anim lang ang estudyante ni Lester na siyang nagsimula ng pagtuturo, “Hanggang sa naging walo, 10, ngayon pinakamababa namin 16 students in 26 hours. Tuwing Sabado’t Linggo lang naman.

“Sa mga interesado o gustong mag-enrol sa amin, mayroon kaming fan page na Ogie Diaz Acting Workshop o kaya email nila ‘yung sister ko, ellendatiles@yahoo.com. For kids’ workshop, 7-12 years old, sa teens start ng 13 at ‘yung adult hanggang 40 years old.”

Sa hosting ay susubukang imbitahan ni Ogie sina Toni Gonzaga at Luis Manzano na gusto rin daw mag-giveback sa mga aspiring host.

“Gusto nilang mag-share ng kanilang knowledge sa konting panahon, masarap din kasing ang feeling na nakakabigay ka ng inputs mo,” pahayag pa ng komedyante.

q q q

Samantala, hindi lang artista’t radio at TV host si Ogie, isa rin siya sa hurado ng “MNL 48” tuwing Sabado kasama sina John Prats at Teacher Georcelle sa It’s Showtime.

Umabot na rin sa second printing ang librong “Pak! Humor” ni Ogie at kasalukuyang nasa number two sa pinakamabentang libro ngayon, ang libro ni Maine Mendoza ang nasa unang puwesto.

Anyway, kasama rin si Ogie sa The Blood Sisters bilang si Manong Bruce na nagpalaki sa karakter ni Erich Gonzales sa Davao as Erika. Inamin ni Ogie na si Erich ang nagtuturo sa kanya sa pagsasalita ng Bisaya dahil tunay na Davaoeña ang aktres.

Kuwento ni Ogie, “Si Erika na Davaoeña ang kaibigan ko, ang mannerism niya ‘yung lagi niyang hinahawakan ang ilong niya. Si Carrie na doktora, ‘yung sa ulo panay ang hawak at si Agatha panay ang hawak sa buhok.

“Ako, bilang acting coach din, maganda ‘yung ginawa ni Erich na may palantandaan siya para hindi siya mawala sa karakter. Si Erika ay Bisaya, si Carrie ay English speaking at si Agatha ay Ilokana,” kuwento pa ng talent manager.
Nasambit din ng komedyante na kung sakaling hindi si Liza Soberano ang napili bilang bagong Darna ay pasado rin daw si Erich.
“Sabi ko, ‘Ikaw ang naisip ko, kayang-kaya mo mag-Darna.’ Sabi niya, ‘Ma, ano ba, ang tanda ko na.’ Sabi ko, hindi kaya mo nga, ang husay mo umarte tapos kaya mo pang mag-iba-iba ng look,” sabi pa ni Ogie.

Read more...