“Your honor, nandidito naman lahat ng gentlemen from the Philippine Navy. Sir, since nandito na din tayo, pwede n’yong isa-sahin lahat kung meron ba akong tinawagan, tinanong o nag-influence man lang ako para ibaligtad? Isa lang,” sabi ni Go sa pagdinig ng Senate committee on national defense.
Ito’y matapos humarap si Go sa Senado sa harap ng mga akusasyon enendorso niya ang isang kontratista para sa proyekto ng Philippine Navy.
“Pag may nakapagturo, paglabas ko rito, I will resign. ‘Pag merong nakapagsabi na if (I) intervened, kung meron man,” dagdag ni Go.
Tinawag pang fake news ni Go ang ulat na nag-uugnay sa kanya sa frigates project.
Kasabay nito, tinawag ni Go na malisyoso ang ulat na nakialam siya sa kontrata.
“Hindi pa nila siguradoa kung nag-intervene ako o alam ko ito, ‘intervenes’ agad?” ayon pa kay Go.