NITONG weekend, nagulantang tayo nang magbabaan ang presyo ng diesel at gasoline. Kadalasan kasi, Lunes kung mag-anunsyo ng rollback o increase at Martes naman kung kelan ipinatutupad ang mga ito.
Ang basehan ng presyo ng ating oil products ay ang isang linggong kalakalan sa “Mean of Platts Singapore” (MOPS) na nagtatapos tuwing Bi-yernes. Ibig sabihin, ang “weekly oil price average” ay alam na Biyernes ng gabi pa lang at pwede nang baguhin ang presyo kinabukasan.
Pero, hindi ito ang nangyayari mula 1998 dahil ang regular na pagbabago ng presyo sa atin ay Martes. Kung rollback, nagkakaroon ng window of profit ang mga kumpanya ng langis ng tatlong araw, Sabado, Linggo at Lunes.
Of course, ganoon din kung may bigtime oil price increase kung maglalaro ang kanilang “imbentaryo sa lumang presyo”, kayat kita pa rin ang mga kumpanyang ito.
Lalo ngayong meron nang excise tax talagang magbabantay tayo sa nagmamahal nang presyo ng gasoline, diesel at kerosene. Historically, ang sistema ng mga oil companies dito ay malalaki ang pagtaas ng presyo hanggang sa lumampas ng halos P2.75 kada litro nitong Enero. Pero, kapag rollback ay i-nut-inot lamang.
Paanong nangyari na ang oil price adjustments ay naging Sabado, at hindi na Martes?
Noong Biyernes ng alas-7 ng gabi, unang nag-anunsyo ang Phoenix petroleum, at ang kanilang rollback na P1.15 sa gasolina, at P1.30 sa diesel kada litro ay naging epektibo kinabukasan, Sabado.
Siguro, nagulantang i-yong ibang oil companies dahil Sabado pa sila nakapag-react. Ang Petron ay nag-anunsyo ng rollback, tanghali ng Sabado. Sumunod ang Seaoil bandang hapon, Shell, PTT, Caltex, samantalang gabi na nang gumalaw ang Total. Lahat sila ay kahapon lang nagbaba ng presyo.
Ano ang kaibahan ng isang araw na delay sa rollback? Ang daily consumption ng Pilipinas ay 329,000 barrels bawat araw o 60 milyong litro. Kung tatlong araw na rollback, at piso ang ibababa, P60 milyon o P180 milyon ang tinatabo ng mga kumpanya sa tatlong araw na “delay” ay malaking tubo.
Pero nagkusa at hindi na nagpatubo ang Phoenix Petroleum, at niyanig ang industriya sa Sabadong rollback. Sa totoo lang, dapat noon pa naging transparent ang gobyerno sa pagtakda ng presyo ng local fuel products.
Tingnan niyo, dalawa lamang ang refineries sa bansa, PETRON at Pili-pinas Shell; bakit pare-pareho ang presyo ng mga oil companies na walang “refinery” at purely imported ang diesel at gasoline? Hindi ba dapat ay mas mura ang may refinery? O ang mga “imported fi-nished products” tulad ng “refined diesel at gasoline”?
Medyo nakakalito at nakakainis talaga lalo na kapag pare-pareho ang kanilang presyo mapa-rollback man o increase.
Akala ko ba competition ang presyo, bakit halos iisa lang ang bilihan? Ang sistemang ito’y noon pang 1998 ginawa ng Energy Regulatory Board at ng Department of Energy at 28 years nang ipinapatupad sa atin. Ni hindi nirebisa kahit isang beses man lamang gayong merong Department of Justice-Department of Energy Task Force tungkol dito.
Ngayon, sasabihin ng tao sa oil companies, pwede palang mag-rollback kayo tuwing Sabado, bakit ang tagal niyong ginawang Martes? Kumita pa kayo ng Sabado, Linggo at Lunes. Garapal talaga, pero nitong Sabado may hiya rin pala ang mga kumpanya ng langis. Sana mahiya din ang DOE DOJ at Malakanyang!
Oil price adjustment gawin tuwing Sabado
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...