Nagwalang backrider tinuluyan ng MMDA

KAHIT humingi na ng tawad ay kakasuhan pa rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang babaeng angkas ng motorsiklo na nagwala ma-tapos sitahin sa paggamit ng helmet bilang lalagyan ng ulam.

Ani MMDA assistant general manager Jojo Garcia, itutuloy nila pagsasampa ng kaso sa suspek upang ipabatid sa publiko na seryoso ang ahensya sa mga kampanya nito.

Isasampa ang kaso nga-yong araw o bukas sa suspek na nang sitahin ng traffic enforcer sa Visayas Ave., Quezon City ay nagwala, nagmura at tinangka pang hampasin ng helmet ang enforcer.

Read more...