Vice Ganda, GGV, Showtime wagi na naman ng mga award


TINANGHAL sa ikaapat na pagkakataon bilang Best TV Station ang ABS-CBN sa Eastern Visayas State University-Ormoc City Campus (EVSU-OCC) Students’ Choice Mass Media.

Labing-isang parangal ang naiuwi ng Kapamilya network sa awarding na ginanap noong Feb. 14.

Kasama sa mga nanalo ang mga ilan sa public affairs shows tulad ng TV Patrol, na pinangalangang Best News Program, Umagang Kay Ganda, Best Morning Show at Failon Ngayon host na si Ted Failon, Most Influential Public Service Host.

Nagwagi rin ang mga top-rating entertainment programs at personalities. Wagi ang It’s Showtime bilang Best Variety Show, habang si Vice Ganda ay nanalong Best Comedian. Ang comedy talk show niya na Gandang Gabi Vice naman ay nanalong Best Comedy Show.

Nanalo rin ang horror-fantasy series na La Luna Sangre bilang Best Primetime Series.

Read more...