Robin, Aljur nagkabati na; pagkatapos ng pamanhikan, kasalan na

 


SA WAKAS nagkasundo na rin sina Aljur Abrenica at Robin Padilla – ang dalawang nag-uumpugang bato sa buhay ni Kylie Padilla.

Naganap ang pagkikita nina Binoe at Aljur last Saturday sa isang family dinner. Balitang namanhikan na raw ang pamilya ng aktor sa family ni Kylie kasama ang kanilang anak na si Baby Alas.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Aljur ng litrato kung saan makikitang magkakasama ang mga miyembro ng pamilya Abrenica at pamilya Padilla.

Nilagyan ito ni Aljur ng caption na: “Wala ng mas mahalaga pa sa pamilya at siyempre sa ngiting ngayon ko palang nakita mula sa mahal ko.. Salamat po sa mainit na pagtanggap.”

Makikita sa litrato ang mga kapatid ni Aljur na sina Vin at Allen, at ang kanyang mga magulang na sina Alfonso Abrenica Jr. at Amor Guiang. Kasama naman ni Kylie sina Robin, ang asawa nitong si Mariel Rodriguez at ang nanay ng action star na si Eva Cariño.

Very open si Robin sa pagsasabing magiging okay lang sila ni Aljur kung pakakasalan na nito ang kanyang anak. Balitang na-bad trip din si Binoe nang malaman niyang buntis na pala si Kylie pero wala pa palang plano so Aljur na pakasalan ang dalaga.

Samantala, libu-libo ring likes at comments ang nakuha ng isang video na ipinost ni Kylie sa kanyang social media account. Dito makikitang pinagmamasdan at nilalaro ni Robin ang apong si Alas Joaquin habang karga-karga ni Aljur.

Siyempre, abot-langit ngayon ang kaligayahan ni Kylie dahil finally parang nabunutan na rin siya ng tinik sa lalamunan sa pagbabati ng dalawang lalaki sa kanyang buhay.

At ngayong maayos na ang relasyon nina Binoe at Aljur, ang kailangang abangan ngayon ng madlang pipol ay ang kanilang magiging kasal.

In fairness, grabe ang suportang nakuha nina Aljur at Kylie mula sa kanilang mga kaibigan at showbiz. Talagang super happy sila sa pagkaayos ng kanilang mga pamilya.

Read more...