KZ muling pinanganga ang mga Chinese at iba pang lahi sa Singer 2018

MULING napanganga at napabilib ni KZ Tandingan ang mga Chinese at iba pang mga lahi sa buong universe sa second performance niya sa pinakasikat na singing search sa China, ang Singer 2018.

Waging-wagi sa audience ang kinanta niyang medley ng tatlong Chinese songs kaya naman pasok na siya bilang regular contender sa tinaguriang China’s biggest singing competition sa telebisyon.

Sa ikalawang pagsabak ni KZ sa laban, nakuha niya ang ikaanim na pwesto, pero dahil sa naging number one nga siya sa unang performance niya, mataas pa rin ang nakuha niyang average kaya nabigyan na siya ng permanent slot sa Singer 2018.

Ibig sabihin, sa mga susunod na episodes, maaari lang siyang matanggal kung magiging kulelat siya sa overall scores na kukunin mula sa audience votes.

Isang malaking sugal para kay KZ ang kumanta ng Chinese songs sa nasabing talent show dahil posibleng magkamali siya o magkalat sa harap ng audience. Pero pinatunayan ng Kapamilya singer na kering-keri niyang ibandera sa buong mundo ang talento ng mga Pinoy sa pagkanta.

“I want to show my respect to the Chinese audience, Chinese culture, Chinese music,” ang rason ni KZ kung bakit pinili niyang kumanta ng Mandarin medley sa Singer 2018.

Aniya pa, ang “dream performance” niya sa competition ay ang pagkanta ngiconic song na “Anak” ni Freddie Aguilar. Balak niyang kantahin ito sa Tagalog at Chinese.

 

Read more...