MAINIT na pinag-uusapan sa social media ang napabalitang pagpapakasal daw nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna somewhere in Quezon City.
Wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ng magkarelasyon pero marami rin ang nagsasabi na baka raw ibang showbiz couple ang nagpa-secret marriage sa Q.C. dahil ang lumabas ngang balita kamakailan ay sa April pa ang beach wedding nina Ellen at Lloydie sa Mactan, Cebu, kasabay ng birthday ng una.
Posible rin naman daw na nagpakasal muna sa simbahan ang dalawa bago ang nakatakda nilang beach wedding. Hintayin na lang natin kung ibabandera ba ng controversial couple ang katotohanan sa balitang ito o mas gusto nilang maging pahulaan pa rin ito sa madlang pipol.
READ NEXT
Forty Days Temptation
MOST READ
LATEST STORIES