Angelica kay JM: Sa lovelife, sana magtanda ka na!


“NAGTANDA na? Naku pagdating sa pag-ibig, hindi, parang hindi. Sana magtanda na siya, ‘yan talaga, ‘yun ‘yon. Magtanda ka!” ‘Yan ang sunud-sunod na litanya ni Angelica Panganiban nang hingan ng mensahe para sa kaibigang si JM de Guzman.

Sa episode kahapon ng Magandang Buhay, nag-guest si JM kung saan ibinahagi niya ang kanyang pinagdaanan habang nasa rehab. Dito nga siya pinayuhan ni Angelica na nakatambal niya sa pelikulang “That Thing Called Tadhana” noong 2014.

Sa video message ng aktres sinabi nitong, “Sana itong chances na ibinibigay sa iyo ay i-treat mo siya ng maganda at maganda ang mga nangyayari sa iyo lately. So, sana maging thankful ka lang lagi.”

Tugon naman ni JM, “Nagtanda na ako, sobrang nagtanda na. Paano ka magsi-share ng love kung hindi mo love ang sarili mo enough na kung mawala siya ay wala ka na rin. So dapat sarili muna lagi.” Balitang muling napariwara si JM matapos silang mag-break ni Jessy Mendiola.

Good news naman para sa mga fans nina JM at Angelica, mukhang tuloy na tuloy na rin ang pinakahihintay n’yong “That Thing Called Tadhana 2”.

Read more...