Glaiza walang naibulsang talent fee sa ‘anti-VDay’ concert


WALANG naibulsang kita si Glaiza de Castro mula sa isinagawa niyang Valentine’s at Anti-Valentine’s Day concert last Feb. 14 sa 12 Monkeys Music Hall & Pub na pinamagatang “Third Wheel.”

Lahat kasi ng kinita ng concert niya ay ibinigay niya sa kanyang Glaiza de Castro Foundation na sumusuporta sa mga batang may special needs. Naging bahagi rin ng concert ang mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano.

Samantala, sa upcoming afternoon series ng Kapuso Network, ang Contessa, reunited siya sa aktor na si Geoff Eigenmann na naging kapareha niya noon sa pinagbidahang serye na Grazilda.

Makakasama rin nila rito ang tinaguriang Pambansang Abs na si Jak Roberto.

Read more...