Kawatan arestado matapos i-post ang ninakaw sa FB

ARESTADO ang pinaghihinalaang kawatan matapos i-post sa Facebook ang kanyang mga  ninakaw na kagamitan, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Supt. Vicente Cabatingan, Lucena police chief,  na iniulat ng biktimang si Chris Ivan Caligagan, 19, sa pulis na nakita niya ang kanyang ninakaw na Huawei tablet  sa Facebook account ng isang John de Torres, 34, residente ng bayan ng Candelaria.

Tinawagan  ni Caligagan si de Torres para ibalik ang kanyang gadget ngunit humihingi ang suspek ng P3,800.

Humingi ng tulong ang biktima sa pulis para mahuli ang suspek.

Isang entrapment ang isinagawa sa isang terminal ng bus sa lungsod.

Read more...