Obligasyon ni gov’t exec kay misis di magampanan

MAY lihim na tampo ang isang misis na government official sa kanyang mister na opisyal din ng pamahalaan.

Dahil abala si Sir sa kanyang tungkulin sa bayan ay nakakalimutan na raw nito ang kanyang obligasyon sa kanyang misis.
Nagkaka-edad na nga naman si Madam pero di pa rin nabubuntis.
Nagtakda raw kasi ng petsa si Madam na dapat ay asikasuhin na nila ni Sir ang “baby making” pagkatapos ng halalan.

Pero dahil nabigyan ng bagong tungkulin si Sir ay napabayaan na naman niya ang kanyang assignment kay Madam.

Bagaman nasa late 30’s na si lady official ay masasabing still in great shape ito dahil sa kanyang maingat na diet at regular na pagpunta sa gym.

Pero dahil sa kanyang busy sked ay hindi na nahaharap ng machong official ang kanyang obligasyon sa kanyang reyna.
My chika na nagsasabing may pagka-silahis daw si Sir.

Sa mga ganitong pagkakataon ay mga kaibigan ang siyang takbuhan ng Misis na problemado.

Sinabi pa ng ating cricket na ilang beses na ring kumunsulta sa mga duktor ang mag-asawa pero wala naman daw nakikitang problema sa mga ito.
Ang misis na problemado ay si Madam L as in Lambing…..ang kanyang asawa ay si Mr. A….as in Apir.

Read more...