MAS hinangaan ang La Luna Sangre lead star na si Kathryn Bernardo after na mapabalitang she is being zeroed in for a campaign para mas ma-encourage ang kababaihan na tumakbo sa barangay at SK elections.
May lumabas kasing report na napili si Kathryn dahil sa kanyang magandang image para pangunahan ang COMELEC campaign which will focus on women empowerment. Ayon sa report, may lalabas na online video si Kathryn for the said campaign.
“Yah go girl! Very trusted and reliable. Even government peeps bilib sa kanya.”
“O di ba, ibig sabihin naniniwala ang gobyerno at ang COMELEC na magandang ehemplo si Kath sa mga kabataan.”
‘Yan ang say ng dalawang fans ng dalaga.
Incidentally, painit na nang painit ang mga kaganapan sa La Luna Sangre lalo na’t sinalakay ng kampon ni Sandrino ang pamilya nina Tristan (Daniel Padilla).
Hindi na talaga mapipigil ang paglalaban ng mga bampira at lobo lalo pa’t nabuking na ni Malia ang pagtatraydor ng ilan nilang kasamahang bampira.
Role model: Kathryn ikakampanya ang mga proyekto ng COMELEC
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...