HINDI si Alden Richards o si Jake Ejercito ang ka-dinner date ni Maine Mendoza nu’ng Valentine’s Day kundi ang beking staff ng Eat Bulaga na si Oreo Black.
Ang kaibigang si Juancho Trivino ang nag-post sa kanyang Instagram Stories ng dinner ng dalawa na pinost naman sa Twitter ng account na MaineMendozaPH, ang official fan base ng fans ni Meng.
Nakalagay rin sa account na ito na naibigay na ng Phenomenal Star ang pangako niyang TV kay Nanay Amy na winner sa Sugod Bahay ng Eat Bulaga last Feb. 8.
Pahayag ni Nanay Amy sa picture habang nanonood sa ibinigay na TV set ni Maine, hindi na raw siya makikinood sa kapitbahay. “Maraming salamat Maine!”
Si Alden naman, ang mga kapatid na sina Riza at Angel ang binigyan niya ng bulalak nu’ng Araw ng mga Puso.