Maymay ibinandera ang natanggap na pendant

MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER AT ANG PENDANT

TAPOS na ang Valentine’s Day pero kilig na kilig pa rin ang MayWard fans dahil sa isang IG post ni Maymay Entrata.

Ibinandera kasi ni Maymay sa kanyang social media followers ang photo ng natanggap niyang pendant.

Hindi man binanggit ng dalaga kung kanino ito galing, naniniwala ang Mayward supporters na regalo ito sa kanya ng ka-loveteam na si Edward Barber.

Naka-engrave sa pendant ang mga salitang, “You’re my heart.” In fairness, ilang minuto pa lang na naka-post ang photo ay nakakuha na agad ito ng mahigit 33,000 likes at daan-daang comments.

Read more...