Poe: Bigyan ang MRT hanggang Marso para maiayos ang rail system

UMAPELA si Sen. Grace Poe sa publiko na bigyan ang  Department of Transportation (DOTr) ng hanggang Marso para tuparin ang pangako na ayusin ang serbisyo ng   Metro Rail Transit-3 (MRT-3).
“Talagang malaki ang problema diyan at alam naman natin iyon, dumadating na ang mga parts,” sabi ni Poe.
Ito’y matapos ang ulat na may pagkakataong tatlong tren lamang ng MRT ang tumakbo.
“Binibigyan natin ng pagkakataon ang DOTr na ikabit iyang mga parts na iyan pero siyempre hindi naman pwedeng isaksak na sabay-sabay iyan. So realistically siguro sinasabi nila end of February, bigyan naman natin sila ng hanggang March,” dagdag ni Poe.

Read more...