Julia Montes tunay na best actress ng ABS-CBN


BUBUUIN na ni Ana (Julia Montes) ang buhay niyang winasak ni Samantha (Shaina Magdayao) dahil umpisa na ng kanyang paghihiganti upang iparanas sa karibal ang lahat ng hirap na kanyang tiniis sa Kapamilya afternoon series na Asintado.

Matapos matunghayan ang kasal nina Samantha at Gael (Paolo Avelino), mas lalo pang umigting ang galit ni Ana para sa mga taong nang-api sa kanya at pumatay sa kanyang ama, kaya naman mag-isa siyang gagawa ng hakbang upang mapatumba ang kanyang mga kalaban.

Uumpisahan niya ang kanyang paghihiganti kay Samantha na walang takot niyang haharapin at walang pagdadalawang-isip na gamitan ng dahas upang mapigilan ang plano nitong saktan ang kanyang pamilya.

Ngunit hindi padaraig si Samantha dahil sisiguraduhin nitong mapapatay niya si Ana sa tulong ng kanyang mga tauhan at hindi hahayaang maagaw mula sa kanya si Gael.

Magawa nga kaya ni Ana ang plano niya ng paghihiganti? Ano naman kaya ang gagawin ni Samantha upang tuluyan nang mawala sa landas niya si Ana?

Huwag palampasin ang serye na kasado ang pag-ibig at paghihiganti, ang Asintado sa Kapamilya Gold tuwing hapon sa ABS-CBN.

In fairness, puring-puri ng madlang pipol si Julia sa Asintado. Napakagaling daw ng dalaga sa kanyang mga eksena lalo na sa kanyang drama moments. Muling pinatunayan ng dalaga na isa siya sa tunay na best actress ng Kapamilya Network.

Read more...