KathNiel fans na-bad trip kay Robi; nag-post ng litrato nina Liza at Daniel sa IG ‘tsinugi’


GALIT na galit ang ilang KathNiel fans kay Robi Domingo.

Nag-ugat ito sa isang kumalat na video kung saan mapapanood ang tila panunukso ng TV host kina Liza Soberano at Daniel Padilla.

Sa kanyang Instagram Stories in-upload ni Robi ang short video ng pakikipagchikahan niya kay Liza sa backstage ng ASAP last Sunday. Nu’ng una’y nakatutok ang cellphone ni Robi kay Liza at bigla niya itong itinutok kay Daniel na nakaupo sa may gilid nila.

Nag-smile lang si DJ at nang ibinalik na niya ang camera kay Liza ay tinanong niya ang aktres ng, “May sinasabi ka?” Pero mukhang wala namang idea ang “girlfriend” ni Enrique Gil sa sinasabi ni Robi.

Nang i-check namin ang IG ni Robi, wala na ang nasabing video pero may nakapag-upload pa rin nito sa YouTube at dito na nga nagkomento ang mga netizens ng kung anu-ano laban kay Robi.

Nakaka-offend daw para kina Kathryn Bernardo at Enrique Gil ang ginawa ni Robi, kahit daw biro lang ang ginawa niya kina Daniel at Liza ay hindi pa rin magandang tingnan dahil very much identified nga ang mga ito sa kanilang mga ka-loveteam.

Siguradong nakarating na kay Robi ang pagka-bad trip ng KathNiel fans at ang masasakit na salitang ipinost ng mga ito laban sa kanya. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement ang binatang TV host.

Samantala, nag-sorry na rin ang mga taong namamahala sa social media accounts ng District 8 resto bar kung saan isa si Daniel sa mga may-ari.

Ito’y matapos ding ireklamo ng mga supporters nina DJ at Kathryn ang Instagram post ng District 8 Manila kung saan makikita sa picture na pinagigitnaan si Robi nina Liza at Daniel.

Narito ang kanilang official statement: “We sincerely would like to apologize for posting a photo on our Instagram and Facebook which has angered our social media followers. It was a mistake committed by our new 3rd party social media handler.

“Rest assured that we have already terminated them effective immediately. Again, our sincerest apologies.”

Read more...