Joshua kinarir ang pakilig na Valentine date nila ni Julia

BONGGANG Valentine celebration ang ginawa ni Joshua Garcia for his lady love Julia Barretto.

Talagang nag-effort ang bida ng The Good Son sa kanyang romantic gimik for Julia. Pinaligiran niya ng ilaw at heart-shaped balloons ang garden kung saan may dinner table for two.

Sa photos na ipinost ng best friend ni Joshua na si Mark Coleta, kitang-kita na the young couple had a very romantic dinner together. May isa pang photo in which Julia was clutching a bouquet of red roses na dalawang dosena yata.

Iba rin mag-effort itong si Joshua, ‘no?

Read more...