Sikat na aktres nabuking ang panloloko ng dyowa, nagreregalo ng narematang alahas

PABORITONG pagpistahan ng mga becki sa umpukan kung gaano kagaling sa lahat ng bagay ang isang magandang aktres na galing sa malaking pamilya ng mga artista.

Napakagaling niyang umarte, patok na patok ang acting niya sa kahit anong role na ibinibigay sa kanya, magaling din siyang sumayaw at kumanta nang pa-emote-emote pa.

Magaling din siyang makisama, walang nagrereklamo sa kanyang ugali, paborito siyang katrabaho ng mga kapwa niya artista at ng production staff at crew.

Sa lahat ng aspeto ay super-galing ang female personality na ito, gustung-gusto ng mga tao sa kanyang paligid ang pagiging cowboy niya, wala na silang hahanapin pa sa magandang ugali ng girl.

Pero may kasunod pang kuwento ‘yun, sabi ng isang source, “Ibang klase ring magmahal ang girl na ‘yun, all mine to give siya, ibinibigay niya ang lahat-lahat sa karelasyon niya. Masuwerte ang lalaki sa kanya, kasi, para silang nakakita ng maid-of-cotton sa girl!

“Serbisyo kung serbisyo talaga siya, sa totoo lang, wala siyang pakialam kung magmukha man siyang kasambahay sa paraan kung paano siya magmahal,” simulang kuwento ng aming impormante.

Naging magkarelasyon sila nu’n ng isang guwapong hunk actor na karelasyon ngayon ng isang singer-actress. Inalagaan niya nang husto ang guy, as in, pati ang food ng lalaki ay siya ang nag-aasikaso.

“Pero nagkahiwalay rin sila, kasi nga, super-kuring ang young hunk actor na ‘yun. Nag-birthday siya, nag-anniversary sila, alam n’yo bang mga alahas na nireremata na sa pawnshop ang ipinangregalo sa kanya ng guy?

“Yes na yes! Paano ‘yun nalaman ng girl? Nagtatrabaho sa sanglaan na ‘yun ang pinsan ng isang fan niya. Natural, may-I-kuwento sa kanya ng faney na du’n pala bumili ng mga alahas na sinusubasta ang boyfriend niya!

“Presto! Nang ipakita niya ang dalawang alahas na iniregalo sa kanya ng guy, e, buking! Hindi ang pagbili ng alahas na isinusubasta ang point ng girl, wala namang problema sa kanya ‘yun, e!

“Ang ikinagalit ng girl, e, sabi kasi nang sabi ang lalaki na ipinabibili kuno niya ang mga alahas sa isang tita niyang stewardess! Sa ibang bansa pa raw binibili ng tita niya ang mga alahas!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ayaw na ayaw ng girl ang pagsisinungaling, kaya kahit mahal pa niya ang guy, e, nakipag-break na siya. Kilalang-kilala n’yo kung sino ang girl na ito!

“Inglisin n’yo lang ang ligaw na bulaklak at ‘yun na ‘yun! Siya ‘yun!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Read more...