Miguel, Bianca lagapak sa ‘zero reaction’ challenge


PAHINGA muna sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa bigat na emosyong dala ng Kambal, Karibal dahil sa isang exclusive video ng GMANetwork.com, nagpaligsahan sila sa pagbibigay ng compliments sa isa’t isa.

At meron itong fan participation ha! Ang challenge sa kanila, sasabihan nila ang isa’t isa ng mga compliments na ibinigay sa kanila ng kanilang followers pero dapat ay minimal to zero reaction ang kanilang mukha kapag narinig nila ang mga ito.

Parehong butata ang magka-loveteam dahil hindi nila naitago ang kilig sa isa’t isa habang nagpapalitan ng magagandang mensahe! Tawa sila nang tawa pareho, at may lumulusot pang mga banat na hindi naman kasama sa kanilang mga binabasa!

Saktung-sakto ang mga hirit ng tambalang BiGuel sa pagpapakilig ng kanilang mga fans and followers nitong nagdaang Valentine’s Day!

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang madadrama at nakaka-suspense na eksena sa Kambal, Karibal na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad. Bukod sa mga pakilig nina Bianca at Miguel, patuloy na tutukan ang acting showdown ng lahat ng members ng cast, lalo na nina Carmina Villaroel, Marvin Agustin at Alfred Vargas.

Read more...