CLAUDINE may pasa sa mukha, sinaktan ba ni RAYMART?

May retratong ipinost si Claudine Barretto sa kanyang FB account na kasama si Sabina at ang mga kaklase nito. Pero ang mas umagaw ng pansin ng mga nakakita sa picture ay ang pasa sa kanyang kanang pisngi.

May mga nagkomento agad na parang pasa raw ng pananakit na pisikal ‘yun, meron namang nagsabing baka raw sinaktan ni Raymart Santiago ang misis nito, parang binuksan ni Claudine ang kanyang personal na buhay para opinyunan ng ating mga kababayan nang dahil sa retratong ‘yun.

Pagkatapos magkomento ng mga nakakita sa kanyang retrato ay bigla ring nawala ang pagkaka-post, tinanggal din ni Claudine, lalong nagduda ang marami na mukhang meron ngang nangyari sa kanila ni Raymart.

Pero ang tanong. Nagkabalikan ba uli sina Raymart at Claudine mula sa una nilang paghihiwalay? Kung totoo ‘yun, di sana’y nakikita silang magkasama, sasadyain nilang magpakita sa mga pampublikong lugar para ipaalam na nagkabalikan sila.

At kung wala namang pagbabalikang naganap sa pagitan ng mag-asawa, sino ang gumawa ng pasa na ‘yun sa mukha ni Claudine, ibang tao ba? At kung ibang tao nga, sino naman kaya, meron bang ibang may galit sa kanya para saktan siya at sa mukha pa?

Mahirap basta maniwala na si Raymart ang gumawa nu’n kay Claudine, napakadali niyang maidedenay ‘yun, sabihin lang ng aktres na nabangga siya sa pintuan ay lihis na agad ang kuwento.

Napakadali niyang sabihin na wala naman siyang sinasabing sinaktan siya ni Raymart, na ibang tao lang naman ang nagbigay ng ganu’ng insinwasyon, kaya ano ang dapat niyang ipaliwanag?

Lahat ay posible. Lahat ay puwedeng mangyari. Mahirap magbigay ng konklusyon at opinyon nang dahil lang sa retratong ‘yun na may pasa sa pisngi si Claudine Barretto. Basta! Basta! Basta!

Read more...