KZ kay Jessie J: Malaking parte ka ng pagkanta ko!

Much love ang nareceive ng video ni KZ Tandingan upon meeting her idol na si Jessie J.

In a post shared on her Facebook page, mapapanood ang surprise meeting ng dalawang contender for Singer 2018 sa China.

Sa video, mapapanood kasi kung paano maluha-luhang ikinuwento ni KZ kung paano niya naging inspirasyon si Jessie noong mga panahon na nag-iisip siyang ihinto ang pagkanta dahil sa isang problemang medical.

“When I was in high school, I almost stopped singing because I couldn’t reach the high notes anymore because I had a polyp in my vocal cords. And then, I heard you, and then I realized, ‘Oh, I didn’t have to hit those high notes to make a difference and sing, so I started singing again.” sey ni KZ.

Niyakap naman siya ni Jessie matapos sabihin ni KZ na isa siya sa mga rason kung nasaan siya ngayon.

Recently, nanalo si KZ sa week five ng kumpetisyon, kung saan natalo nya si Jessie J.

 

 

Read more...