Isinugod pa si Dr. Gary Oñate sa Nuestra Senora De Piat District Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo, ngunit idineklarang patay ng mga doktor doon, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police.
Si Oñate, 45, ay chief physician ng Baggao District Hospital.
Naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga Linggo, sa bahay ng mga Oñate sa Brgy. Poblacion.
Sinabi sa pulisya ni Valerie Oñate, misis ni Gary, na nakarinig siya ng putok mula sa ikatlong palapag ng kanilang bahay at nang tuntunin ang pinanggalingan nito’y napansing naka-lock ang pinto ng banyo.
Tinawag ni Valerie ang nakababatang kapatid ni Gary na si Miyel Angelo at nang puwersahan nilang buksan ang banyo’y natagpuang nakahandusay at duguan ang mister doon, ayon sa ulat.
Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ang isang kalibre-.45 pistola na may magazine at apat na bala, pati na isang basyo, slug, at metal fragment.
Di pa mabatid kung anong nagtulak sa doktor na magkitil.
MOST READ
LATEST STORIES