ARAW ng mga Puso ngayon. Lovers’ Day. Pero paano ka nga ba magse-celebrate kung durog in so many pieces ang heart mo?
Halos isang taon ka na ring nagluluksa kahit three weeks lang naging kayo ng ex mo. Lagi ka na lang nagkukulong sa kwarto at walang ginawa kundi alalahanin ang break up scene n’yo kahit sa text ka lang niya hiniwalayan with matching dialogue ng, “Kung okay lang pakibalik na rin yung binigay kong iPhoneX, di pa kasi bayad yun! Thanks po!”
Kidding aside, talagang mahirap mag-move on sa kahit anong klaseng break-up lalo na kung ibinigay mo na ang lahat-lahat pero niloko ka pa rin. Narito ang ilang tips mula sa inyong favorite celebrities at sana’y makatulong kahit paano para makalimutan mo na siya. Maawa ka sa sarili mo!
KRIS AQUINO
“Hindi yan naaapura. May tao talaga na sa isang ganu’n lang, okay na. May tao talaga na may prosesong pagdadaanan. Some people can recover parang in 40 days, parang nagluksa lang sa patay pero some it will take longer. I think ang pinaka-scary diyan is the depression part. Kasi when you’re angry nalalabas mo, eh. Pero yung depression kinikimkim mo, so ako pag meron akong heart broken na friend hayaan mo lang. Yun talaga. The most important thing is don’t ask. Unless i-open up niya. Yan ang greatest equalizer sa mundo yung heartache. Kasi whether you’re rich, you’re poor, you’re beautiful, you’re ugly, when you’re heart broken, you’re real heart broken.
KATRINA HALILI
“Ipagdasal nila kay Lord na maging happy sila at maging kuntento sila sa life. I-enjoy nila ang buhay kasi ako ganu’n ang ginagawa ko talaga. Dati ganyan din ako. Halos gusto ko nang mamatay. Ngayon na-realize ko, talaga lang, ginusto ko nang mamatay dati nakipag-break ako sa boyfriend ko? Ang chaka. Panget. Marami pang mangyayari sa life n’yo kaya go lang nang go!
BELA PADILLA
“Magdesisyon ka na. Ngayon na. Huwag n’yo nang ipagpabukas, ‘wag n’yong sabihin na last day babasahin ko lang yung mga message. Hindi. Move on ka na today. Bukas mag-isip ka na ng ibang bagay.
Yun lang. Out of sight, out of mind, out of everything, out of your head. Sa akin, I didn’t have to do anything. After my breakup I was already okay.
Walang tutulong sa ‘yo. Kahit kasama mo barkada mo the whole day, kahit ang dami nilang advice pag umuwi ka at binasa mo ulit yung messages at tiningnan mo yung pictures n’yo together, wala! Back to zero ka na naman!”
SUNSHINE CRUZ
“Hindi masama mag-mourn at umiyak. Bigyan mo yung buhay mo at yung oras mo ng expiration date to mourn and to cry. Kasi kung after a month or two or three months na ganu’n pa rin ang hugot mo hindi na healthy for you. Magkakasakit ka, papanget ka. So always give it time.
Like ako before noong nakipaghiwalay ako, sabi ko I’ll cry for a month. Tapos after that stop na. You have to move on kasi ako yung strength ng mga kids ko. And just always pray. Nakakatulong talaga yun para magising ka sa katotohanan.
Be with friends and family who will make you happy na lagi kang ina-assure na everything will be okay and eventually you’ll wake up one day na yung sugat mo hilom na. Okay ka na uli.
JANELLA SALVADOR
“To the all the girls na nahihirapan mag-move-on I think it’s very important na kung gusto mo talagang makalimot, i-access mo kung gusto mo talaga mag-move on or hindi. Second, kung gusto mo talaga mag-move on, distract yourself. Find other hobbies na pwede mong pagtuunan ng attention mo. And of course pray, pray and pray!”
ELMO MAGALONA
“Advice ko sa mga young people at mga young at heart who are going through heartbreaks, I’m sure naman na hindi kayo alone sa buhay. I’m sure you have friends, you have family who will be there kahit may heartbreak ka. So wag mo silang kalimutan. Know that there are people, relevant people who are willing to listen to your problems. Siyempre don’t come off harsh na ibabato mo sa kanila lahat ng problema mo sa mga taong to baka ma-overwhelm din sila. Just remember that you are not alone.”
KIRAY CELIS
“Alam n’yo ang pagmu-move on, salita lang yan. Lahat ng pwedeng mangyari manggagaling lahat sa yo. Tigilan mo muna yung mag-stalk (social media) dahil yan ang unang-unang rason kaya ka hindi nakakalimot. Tigilan mag-stalk kasi nakaka-bitter yan. Mali yung pagmu-move on na parang, kasi niloko naman niya ako eh, kasi nambabae naman siya eh, kasi nawalan siya ng time sa akin.
Dalawa lang yan eh lesson at rason, kailangan mo yang maramdaman at mapagdaanan. Iiyak mo yan. Hanggang sa mapagod ka tapos wag kang maging bitter para maging magkaibigan kayo pagkatapos.
ROCCO NACINO
“As my Valentine gift sa inyo, eto ang magiging advice ko sa mga nahihirapan mag-move on sa isang matinding breakup. First, i-address n’yo na tapos na kayo dahil yun ang first step para makapag-move on ka. Second, hanapin ang sarili mo dahil pag binangon mo ang sarili mo at alam mong tapos na it’s time to move on, du’n na didiretso yun and malalaman mo na lang okay ka na pala.
“Sunod is to keep yourself busy. Pwede kang magkaroon ng bagong image, bagong style, bagong hair cut, bagong activitiy. And the best part is magdasal. Kasi si God ang makakatulong sa yo para makapag-move on talaga. Be happy lagi, embrace positivity and everything will go your way.”
MEGAN YOUNG
“It takes time. Believe me. Kahit na sabihin momg one month, two months, two years, give yourself enough time. Focus on yourself. Medyo cliche pero totoo yun. Indulge on the things that you like and that you love and enjoy yourself and the people around you kasi may reason kung bakit nawala siya sa yo. He’s not supposed to be there anyway.”
THEA TOLENTINO
Gawin n’yong chance ito, opportunity na mas kilalanin ang sarili n’yo at mas makapaghanap ng ibang bagay na pwede n’yong gawin. Malay n’yo dito n’yo ma-discover na may talent kayo sa ganitong bagay, na mapagtutuunan n’yo ng pansin na magiging mahalaga sa inyo in the future.
ROXANNE BARCELO
“Number one is you should really pray, as in every moment na you feel weak, na you feel like you need strength, ask for God’s blessing and grace. Number two, always be with your family, sila yung strength mo. And choose your friends wisely. Wag mag-open up sa ibang tao that’s not important.”