NAGSIMULA na ang pagpapauwi ng lahat ng mga domestic helpers sa Kuwait.
Pero bakit ngayon lang ginawa ng gobyerno ang ban ng deployment of Filipino household workers in Kuwait?
Bakit hindi sinali ang Saudi Arabia at United Arab Emirates sa ban, samantalang mas marami ang mga Pinay domestic workers na inaapi sa mga bansang yun sa Middle East?
Di mo masisisi si Pangulong Digong dahil namana lang niya ang problema sa mga presidente na nauna sa kanya.
Pinakita ni Digong ang kanyang galit nang pumunta ang Kuwaiti ambassador to the Philippines na si Saleh Ahmad Althwaikh sa Malakanyang upang iapela ang ban ng pagpapadala ng mga Pinay household workers sa kanyang bansa.
“Pinaalis ko ang lahat ng staff upang makausap ko ng masinsinan ang ambassador at doon ko pinagmumura ang kanyang bansa,” sabi sa inyong lingkod ni Digong sa hapag kainan sa Palasyo noong Miyerkules ng nakaraang linggo.
Anong sinabi mo sa Kuwaiti ambassador, tanong ko.
“Sinabi ko na iniiyot ng mga Arabo kahit na ang mga camel at karnero at kapwa nila lalaki,” ani Digong.
***
Ipinakita ng pangulo ang kanyang pambihirang pamamalakad sa bayan sa inyong lingkod.
May dinner engagement kami ng pangulo noong Miyerkules sa Malakanyang at habang naghihintay ako sa kanya, nagkita kami ng dating piyanista ng Pagcor na si Nonong Avila.
Si Nonong ay isa nang on-call pianist ng Malakanyang. Kumikita siya kapag kailangan lang ang kanyang serbisyo na hindi madalas.
Tumutugtog si Nonong ng piano nang makita ko siyang muli matapos ang maraming taon. Siya’y matagal ko nang kakilala.
After the usual kumustahan, tinanong ko siya kung tumutugtog pa rin siya sa mga casino na pag-aari ng Pagcor o Philippine Amusement and Gaming Corp. at sinabi niyang bigla siyang sinisante noong 2013 dahil sa mababaw at ilegal na dahilan.
Sinabi ni Nonong na pinapipirma siya ng isang dokumento kung saan nakasaad na babayaran siya ng Pagcor ng P100,000 “for services rendered,” gayong ang utang lang sa kanya ay P10,000 lang.
“Sinabi sa akin ng entertainment manager na si Bong Quintana na ang P90,000 ay ‘for the boys’ pero di ako pumayag na pirmahan ang dokumento dahil natakot akong nakawan ang gobyerno,” ani Nonong na halos maiyak-iyak.
Nang marinig sa akin ni Digong ang sinapit ni Nonong sa Pagcor, pinatawag niya sa hapag kainan ang pianista at pinagkuwento uli.
Agad pinatawag ng pangulo ang kanyang special presidential assistant na si Bong Go at sinabi niya rito, “Have the entertainment manager dismissed and replaced by this man,” habang tinuturo si Nonong.
Pagkatapos niyang bigyan ng utos si Bong Go, binalingan ni Digong si Nonong at sinabi sa kanya, “Thank you for not being corrupt.”
Walang mapagsidlan ng tuwa si Nonong Avila. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
“Kaya pala, Mon, mahal siya ng masa dahil sa kanyang ugali,” sabi ni Nonong.