TODO-TODO talaga ang suportang nakukuha ni Hashtag Ryle Santiago from his family since day one nang pagpasok niya sa showbiz.
Kaya expected na namin ang presence ng family niya sa grand launch ng kauna-unahan niyang product endorsement mula sa Megasoft Hygienic Products, ang Cherub Baby products.
Siyempre, thankful si Ryle dahil siya ang napili ng Cherub owners sa pangunguna ng VP for Marketing ng Megasoft na si Aileen Go.
“I’m very, very happy and thankful sa lahat ng blessings. I’ll work even harder para mas maraming project ang dumating sa akin at makatapos po ng aking pag-aaral. It’s an honor also to be part of the Megasoft family. Ipo-promote ko po ang Cherub the best way I can.”
Kung mabibigyan ng chance gusto rin ni Ryle na maging entrepreneur gaya ng kanyang mommy na si Sherilyn Reyes na pati yata pagbebenta ng yelo ay ninegosyo na rin. Isa rin kasi sa advocacy ng Megasoft sa mga kabataan ang turuan sila na maging negosyante.
“We want to stimulate the student’s creative mind. I-inspire sila na i-pursue whichever business idea they have now or in the future. It’s a way of providing them an option on how to earn for themselves and their families,” lahad ni Ms. Aileen.
Unlike other showbiz moms, never naging stage mother si Shey kay Ryle since pumasok ang kanyang anak sa showbiz. Pero paminsan-minsan pumupunta siya sa It’s Showtime kapag kailangang-kailangan.
Wala naman daw problema kung magkita si Mommy Shey at ang biological father ni Ryle na si Jun Jun Santiago na isa sa executives ng Showtime.
Bongga ang pasok ng 2018 kay Ryle, huh! Bukod sa Cherub, may dalawang pelikula rin siya na ipalalabas. Ang “Bakwit Boys” at “Endless Love.” Nagsimula rin this January ang kauna-unahan niyang teleserye sa Kapamilya network, ang Asintdado ni Julia Montes.
And speaking of Mommy Shey, she celebrated her birthday last Feb. 10. Sinalubong daw nila ang birthday niya sa isang paborito nilang restaurant pagkatapos ay nagperya sila ng kanyang mga anak sa SM Mall of Asia. Paborito raw kasi na puntahan ng mga anak nila ng hubby niya na si Chris Tan ang perya sa MOA.
Naikwento rin pala sa amin ni Shey na lahat ng kinikita ni Ryle ay naka-save. Binibigyan lang si Ryle ng pera panggastos nito sa araw-araw. And the rest, nasa bangko lahat.
Ni-reveal sa amin ni Shey na pwede nang ipambili ng bonggacious na condo or luxury sports car ang nakatabing pera ni Ryle. But they advise him to use his money properly and wisely.
Nakikinig naman daw sa kanila ni Chris si Ryle. No wonder, lumaking maayos at happy kid si Ryle dahil sa maayos at responsableng pagpapalaki ng kanyang mga parents.