GMA, Bulaga bumawi sa AlDub Nation; Alden, Maine pwede na uling maglambingan

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

PURING-PURI ng AlDub Nation ang Eat Bulaga at GMA Network sa social media ngayon.

Todo ang pasasalamat nila sa EB dahil may lambingan moments sina Alden Richards at Maine Mendoza sa ilang segments ng programa gaya sa Joke Time at Actually. May dikitan na uling nagaganap sa dalawa kumpara nu’ng bumalik si Meng galing sa Amerika.

Kahapon naman sa Unang Hirit, ibinalita ng mga host ng morning show ang kilig moments nina Alden at Maine sa Eat Bulaga. Sinaluduhan ang network ng ADN sa paglabas ng istorya tungkol sa AlDub.

Bukas, Valentine’s Day na. Abangers siyempre ang ADN sa pasabog ng kanilang idolo sa EB kaya sa Twitter, panay ang labas nila ng mga caricatures para sa hashtag na #ALDBUBBeatTheOdds, huh!

q q q

Beach send off ang naganap sa biyahe ni Coleen Garcia sa Hawaii. Sa isang foto sa kanyang Instagram account, kasama niya ang limang girls na gaya niya eh, seksing-seksi sa kasuotang swimsuit, huh!

Caption ni Mrs. Billy Crawford to be, “Aloha means hello but it also mean goodbye. Thank you my loves, for the very fun send off!!! I promise you won’t lose a sister – you’ll only gain a brother! #AlohaMissGarcia.”

Habang nasa beach eh, sige-sige lang si Coleen sa pagbuyangyang ng kanyang pwetmalung body.

Read more...