Male celebrity biglang umangas, pati mga nagmamahal na fans pinatulan


MARAMING nakakapansin na inaapuntahan na ng kaangasan ang isang male personality na regular na napapanood sa isang variety show.

Wala pang gaanong napatutunayan ang male personality kaya maraming kumukuwestiyon kung saan niya hinuhugot ang kayabangang kapansin-pansin sa kanya ngayon.

Iba na ang kanyang galaw, sobrang tiwalang-tiwala na ang male personality sa kanyang sarili, pakiramdam niya ay mas nakaaangat na siya sa kanyang mga kasabayan sa show.

Kuwestiyon ng isang source, “May maipagmamalaki na ba siya? Ano na ba ang nagawa niya na puwede niyang maipagmalaki? Meron na ba? Ang natatandaan lang naman ng mga tao, e, ang pagka-link ng name niya sa isang sikat na gay personality.

“‘Yun lang, wala nang iba, umingay lang ang name niya nang dahil du’n na kung tutuusin, e, pinakisakyan pa nga niya, di ba? Ginamit niya ang issue, ibinitin-bitin niya ang mga nagtatanong sa kanya!

“Puwede niya namang sagutin nang diretso na wala silang relasyon ng gay personality, pero dahil naramdaman niyang umiingay ang name niya, e, sakay pa more sa tsismis ang ginawa niya!

“‘Yun lang ang meron siya na wala ang iba niyang mga kasamahan, na-link ang name niya sa sikat na gay personality, kaya siya napag-usapan!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Kapag dumarating kuno sa studio ang male personality ay ramdam na ang kanyang kayabangan.

Marunong na rin siyang sumimangot, may mga mood swings na rin siya, samantalang wala pa naman siya sa estado para umarte nang wala sa lugar.

“At matalas ang dila ng lalaking ‘yun! Kalalaking tao niya, pero ang mouth ng male personality na ‘yun, kailangan siyang pagmumugin ng asukal dahil sa sobrang asim niya!

“Patolah na nga ang tawag sa kanya ngayon ng mga katrabaho niya dahil konting kibot lang, e, umiinit na ang ulo niya sa mga sinasabi ng mga bashers niya!

“Pumatol ba? Ayun tuloy, pati ang mga dati niyang fans kuno, e, naiimbiyerna na sa kanya! Maaga siyang umangas! E, wala pa naman siyang napatutunayan, ‘no!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ipakanta n’yo nga sa kanya ang rock song na Laguna!?” pagtatapos ng aming naiimbiyernang source.

Read more...