WNBF PH 1st Amateur Championship aariba na


PORMAL nang binuksan ng World Natural Bodybuilding Federation (WNBF) Philippines ang paghahanap sa male at female competitors para sa 2018 WNBF Philippine First Amateur Championship, na gaganapin sa Hunyo 9 sa Johnny B. Good, Makati City.

Ang WNBF Philippines ay kinakatawan ng mga international fitness gurus na sina Chris Byrne at Mitch Byrne, na nakilala bilang dalawa sa pinakamahuhusay na Filipino-Canadian fitness icons sa North America ngayon.

Naglalayon ang Philippine affiliation ng WNBF na i-promote ang natural bodybuilding sa bansa at ipakita na hindi kailangan ng mga atleta ang steroids o iba pang mga mapanganib at ilegal na mga gamot upang lumakas at gumanda ang kanilang mga katawan.

Si Mitch Byrne, na isang dating beauty queen at ngayon ay matagumpay nang gym owner, personal trainer at professional bikini competitor ay nagdesisyon na dalhin ang organisasyon sa bansa dahil naniniwala siyang magugustuhan ng publiko ang isang kumpetisyon na talaga namang drug-free at binibigyang parangal ang mga atleta para sa kanilang commitment at sacrifice sa tamang nutrisyon at consistent at natural na training.

Mula noong 1990, binibigyang halaga ng WNBF ang pinakamataas na standard sa pagpo-promote ng istriktong drug-tested, professionally produced bodybuilding and physique sa buong mundo. Ang backbone ng reputasyon ng WNBF ay ang istriktong pagsunod sa drug testing.

Kailangang sumailalim ang mga atleta sa polygraph at ang mga papasa naman ay sasailalim sa urinalysis. Mahalaga sa organisasyon na ito na pantay-pantay ang mga atleta sa worldwide events nito.

With top foreign judges mula sa Canada at US, kasama na sina Tina Smith at Bob Bell, na presidente at bise presidente ng WNBF, marami nang amazing competitors ang nais sumali mula sa bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo. Kinontak na ng mga atleta mula sa South Africa, Korea, Spain, Canada at US ang WNBF PH para sa bodybuilding, physique, figure at bikini categories.

Para sa mga gustong sumali bisitahin ang HYPERLINK: https://www.wnbfph.com/” \t “_blank” www.wnbfph.com. – EAS

Read more...