“Inyo ‘yan eh. Now, ‘yung — you are overzealous about, Oh, we should be a part…Kayo… Look, ‘pag ako ang na… I will charge you for serious neglect of duty making Boracay a fishpond or a sewer pool. Kayo ‘yan diyan,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Cebu City.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na ipinauubaya na niya kay Environment Secretary Roy Cimatu ang kaukulang aksyon matapos na naunang nagbanta na ipapasara niya ang Boracay.
“Pati ‘yang Boracay, it’s billions, earning millions and all of those structures there are worth billion. You know I don’t give a s*** kasi either they clean it up or I will close it permanently,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos pangunahan ang paglulunsad ng Malasakit Programs for the Visayas.
Kasabay nito, kinontra ni Duterte ang pahayag ng mga mayor na dapat silang maging bahagi ng magiging aksyon sa Boracay.
“I read in the newspaper the mayors there that they should be a part because I told Cimatu, sabi ko, ‘Huwag kang maniwala diyan sa ano.’ Alam mo ‘yang mga local governments, ‘yung mga tao diyan, I’m addressing myself now sa Boracay, pinabayaan ninyo ‘yung mga bagay-bagay, na building of structures overlapping the coastline,” dagdag ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na pinayagan ng mga mayor na itayo ang mga gusali nang walang sewerage.
“Pagkita mo Boracay, maganda sa malayo. You swim in Boracay and you stink with s***. Ganun ‘yan. Kayong mga turista, sabi ko, pagbalik niyan may disenteria ‘yan. So ‘yung sa eroplano…Kayo ‘yan, you created a disaster there. Your garbage is just about two — 25 meters away from… ‘Yung lahat ng hotel, walang treatment, ‘yung tubig ninyo diretso sa banyo, sa flush doon sa dagat,” sabi pa ni Duterte.
Iginiit ni Duterte na tanging si Cimatu ang magdedesisyon kaugnay isyu.
“Tapos sabihin ninyo bilyon? Wala akong pakialam. It is Cimatu alone who will decide. If he thinks that he has to destroy there, he has to destroy you. He has my complete trust and confidence,” dagdag ni Duterte.