P310M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

    Walang nanalo sa P310.6 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola kagabi.
    Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 28-49-46-32-29-54.
    Nanalo naman ng tig-P202,240 ang 12 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
    Tig-P2,900 naman ang 669 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 5,747 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...