Bagyong Basyang palapit na

Inaasahang magpapaulan sa Visayas at Mindanao ang bagyong Basyang habang lumalapit ito sa kalupaan.
    Ngayong gabi inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
    Ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 65 kilometro bawat oras.
    Umuusad ito pa kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 27 kilometro bawat oras.
    “Maritime operations along the eastern seaboards of Visayas and Mindanao will be disrupted once Tropical Cyclone Warning Signal is raised tonight (Linggo),” saad ng PAGASA.

Read more...