La Luna Sangre tatapusin na; mga OFW inatake ng kalungkutan
MARAMING KathNiel fans ang nalungkot dahil last three weeks na lang ang La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. They expressed their sadness sa isang Facebook account ng Star Creatives.
“Sad. Ito lang ang inaabangan ko pagkatapos ng work ko, hanapin ko na to sa wall ko bilang OFW yong saya ko pag napapanood ko LLS hindi ko mabibili sa khit anong store. Kudos sa cast, ang gagaling nilang lahat. #Kathniel.”
“Ka-sad. Pero ganun tlaga…at least di na ko laging magmamadali sa mga gawain ko everynight. Petics petics na ulit. Itong #LLS lang talaga ang sinusubaybayan ko ng husto eh.”
“Sad naman, wala na kaming mapapanood gabi gabi, di na naman namin makikita ang KathNiel, matutulog na naman kami ng maaga.”
‘Yan ang sentiments nila.
Mataas pa rin ang rating ng La Luna Sangre which got a 31.4%, this is according to Kantar Media’s Feb. 8 episode.
q q q
Kaaliw ang first day ni Lisa (Jodi Sta. Maria) bilang kasambahay ni Leo Tabayoyong (Robin Padilla). Puro kasi siya kapalpakan nang pinagluto niya ng pagkain ang pamilya ni Leo.
Nasunog ang kanin at pati na ang pinritong talong ni Lisa. Ang discourse niya, walang rice cooker sa bahay ni Leo kaya nagkaganoon.
In desperation nagpabili na lang ng isaw, atay at dugo si Leo. Ayaw namang kaninin ni Lisa ang mga ito dahil hindi niya ito talaga kinakain. Pikit-matang kumain siya ng isaw pero nagsuka siya.
Samantala, babasahin nina Jodi, Robin at Richard Yap ang mapipiling sweet messages. Send in your love messages and photo of your special someone to www.facebook.com/officialstarcreativestv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.