Sarah, Rachelle Ann naitago nang matagal ang ‘kabaklaan’ ni Mark


NAKISAWSAW si Lolit Solis sa controversial issue ni Mark Bautista by posting a message which in effect said na matagal nang alam ni Sarah Geronimo na gay ang kasabayan niya sa isang talent search.

“Ay naku cute iyon story narinig ko ha, talagang laugh to death ako nang malaman ko pero sure naman ako na nasa book iyon ni Mark Bautista. At talaga natuwa ako dahil alam mo naman love ko si Sarah Geronimo at favorite person ko din siya.

“Si Sarah pala ang unang nakaalam na gay si Mark. Di ba nga may pressure nun na gawin silang loveteam, so ginagawan ng paraan na ligawan ni Mark si Sarah. Eh ‘di ba si Sarah very naive at innocent pa sa mundo na kaya ko nga type na type ay talagang kitang-kita mo na untouch at virginal talaga, salamat sa pagbabantay ni Mommy Divine.

“So ligaw ligaw ang Mark, itong Sarah naman tanong ng tanong at napaka-curious sa maraming bagay, so ending naging very close sila to the point na sinabi ni Mark ang mga kakaibang bagay sa kanya.

“Kaya pala iba ang friendship nila ni Rachelle Ann Go kasi nga magkakaedad, pare pareho ng pangarap, kaya naman solid bonding nila.

“Nuon pa man hindi ginusto ni Mark ang magtago o maging sinungaling, pero siyempre you only tell your secrets to people you trust, at hanga ako kay Sarah at Rachelle, talagang mabait silang kaibigan, never sila nagsalita o nagbigay komento, nanatili sila na kaibigan ni Mark.”

Habang puring-puri ng netizens si Sarah, may parunggit naman sila kay Lolita.

“Buti pa si Sarah, she knows the meaning of secret ikaw kaya Lolit?”

“Bakit sinasabi pa ni Lolit? Kay Sarah na lang yun sana.”

“Good! Si Sarah mabait talaga, tsismosa ka Lolit.”

Read more...