150 pasahero ng MRT pinababa

Pinababa ang may 150 pasahero ng tren ng Metro Rail Transit 3 kaninang umaga.
Nasira ang tren alas-5:51 ng umaga sa Buendia station southbound. Nakasakay ang mga pinababang pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang 13 minuto.
Nagkaroon ng electrical failure sa makina ang tren na posibleng sanhi ng kalumaan nito.

Read more...