Bonggang kasal nina Luis at Jessy malapit na raw

By Jun Nardo February 11,2018
share this

Bonggang kasal nina Luis at Jessy malapit na raw

By Jun Nardo February 11,2018
share this

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

USAP-USAPAN sa social media ang makahulugang comment ni Luis Manzano sa ipinost ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola sa Instagram. Ito ‘yung litrato ng dalaga na naka-white gown habang suot ang kanyang “wedding ring”.

Para raw ito sa isang endorsement ni Jessy pero marami ang kinilig sa naging komento ni Luis sa nasabing IG post ng GF. Post ni Luis, “Soon po.”

Hindi naman sinabi ng anak ni Cong. Vilma Santos kung ang tinutukoy nito ay ang kasal nila ni Jessy o ang paglabas ng bridal shoot ng aktres. Pero sa mga nabasa naming comments, mas marami ang nag-wish na sana’y magkatuluyan na nga ang dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending