Heart kinilig sa bonggang b-day gift ni Louboutin: The sweetest!!!

HEART EVANGELISTA

KINILIG si Heart Evangelista sa early birthday gift na kanyang natanggap mula sa sikat na French designer na si Christian Louboutin.

Magse-celebrate ng kanyang ika-32 kaarawan ang Kapuso actress sa Feb. 14 na siya ring third wedding anniversary nila ni Sen. Chiz Escudero. Tuwang-tuwa si Heart nang matanggap ang 90-dollar lipstick mula kay Louboutin.

More than na lipstick, mas na-touch ang misis ni Chiz sa handwritten note na nakadikit sa regalo, “Dear Heart. Truly charmed by your presence. See you next time, at the beach or in town…! Much [love].”

Ang tanging naging reply lang ng Kapuso actress sa mensahe ng kilalang designer, “The sweetest.”

Read more...