Commercial nina Sharon at Gabby umabot na ng 4M views sa unang 4 na oras pa lamang

UMABOT na ng mahigit 4 million views ang commercial nina Megastar Sharon Cuneta at dating mister at dating ka-loveteam na si Gabby Concepcion sa isang sikat na fastfood chain.

May titulo ang commercial nina Sharon at Gabby na “Kamusta Ka”.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens at maging kapwa artista sa muling pagsasama ng dating mag- asawa.

Ipinakita pa ni Sharon ang behind-the-scene video ng commercial.

Tumagal ang commercial ng isang minuto at 28 segundo.

“Thank you very much! Over 4 million views in under 4 hours,” sabi ni Sharon sa kanyang Instagram post.

Read more...