Anne naglalaway sa banana cue, naglilihi na nga ba?


BUNTIS na nga ba si Anne Curtis? Ito ang tanong ng kanyang social media followers matapos itong mag-tweet tungkol sa babana cue.

Aniya, “Craving banana cue!!!! Or turon? Ung May langka pa pak. Cravings triggered by eating a señorita banana! Naalala ko ang youth ko. Ang dami ko nabibili sa 10pesos noon!”

Sinundan pa ito ng, “Hi @erwanheussaff can you please make me a healthy version of these Filipino banana treats! Maruya din! – tama spelling ko?.”

Kaya ang hula ng netizens, naglilihi na si Anne. Pero paglilinaw ng asawa ni Erwan Heussaff, “For those asking, No. Hindi po ako naglilihi Hahahaha. (Although wala namang masama pag yun na un) Pero Hindi pa po talaga. Nag crave Lang talaga ako ng Merienda.”

Read more...