SC nagpalabas ng TRO kaugnay ng arraignment ni PNoy

NAGPALABAS ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) hinggil sa nakatakdang pagbasa ng sakdal kay dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at dalawang iba pa kaugnay ng kasong graft at usurpation sa Sandiganbayan matapos ang kontrobersiyal na operasyon sa Mamasapano noong 2015.
Sa tatlong-pahinang order, inatasan ng SC First Division ang anti-graft court na itigil ang pagdinig sa kaso ni Aquino,  dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima, at dating Special Action Force (SAF) chief Getulio Napeñas Jr.
Ipinatigil din ng Kataastaasang Hukuman ang implementasyon ng resolusyon ng Office of the Ombudsman matapos ibasura ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban sa tatlong opisyal matapos naman ang pagkamatay ng 44 miyembto ng Special Action Force (SAF).
Noong Nobyembre naghain ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng petisyon na kumukwestiyon sa naging desisyon ng Ombudsman matapos ibasura ang ibang kaso laban kina Aquino, Purisima at Napenas.

Read more...