Sinabi ni PNP deputy spokesperson Supt. Vimilee Madrid na ang mga napatay ay mula sa operasyon na nagsimula noong Disyembre 5, 2017 hanggang Pebrero 8, 2018.
Idinagdag ni Madrid na posibleng nanlaban ang mga napatay nang sila ay aarestuhin sa isinagawang operasyon ng mga operatiba.
Ayon pa kay Madrid, 31 sa mga napatay ay dahil sa isinagawang buybust operation, samantalang 11 ang nasawi matapos ang operasyon na isinagawa ng PNP Regional Office 3 sa Central Luzon.
Niliwanag naman ni Madrid na nananatiling “bloodless” ang Oplan Tokhang na muling isinagawa noong Enero 29.
“Police units have arrested 6,253 drug personalities in 4,058 operations,” sabi ni Madrid.
Matatandaang inalis ni Duterte sa PNP ang kampanya kontra droga matapos naman ang pagkamatay ng mga binatilyo na sina Kian Loyd delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo “Kulot” de Guzman.