Pagpatol ni Mark sa hunk actor nagpasabog sa socmed


MATINDI ang takbo ng promo ng librong ilalabas ni Mark Bautista. Ngayon pa lang ay kani-kanyang laro na ang utak ng ating mga kababayan kung sino ang sinasabing kaibigang hunk actor ng singer-actor na nakasama niya sa paglipad sa kaligayahan isang gabing nalasing sila.

Nagkainuman daw kasi silang magkakaibigan, hanggang sa nag-uwian na ang iba at silang dalawa na lang ang natira, sumama raw siya sa tirahan ng kaibigan niyang aktor.

Du’n na raw naganap ang hindi nila inaasahan, naging “intimate” daw sila, kapos sa paglalarawan si Mark sa librong sinulat niya kaya ang mga kababayan na natin ang nagdudugtong sa pangyayari.

Ang dami-dami tuloy nadadamay na mga personalidad. May mga kuwentong matagal nang nakalibing ang muling nahuhukay. Kontrobersiyal ang libro ni Mark Bautista.

Ngayon pa lang ay nag-aabang na ang ating mga kababayan, kukuha raw sila ng kopya ng unang librong sinulat ng magaling na singer-actor, kailangan daw silang mauna sa pagbasa para masagot nila ang tanong kung sino ang kaibigan ni Mark Bautista na nakasama niya sa kaligayahan habang lasing na lasing sila.

Read more...