800 pasahero ng MRT pinababa

    Pinababa ang may 800 pasahero ng Metro Rail Transit 3 kaninang umaga matapos na magkaproblema ang makina nito.
      Ayon sa advisory ng Department of Transportation-MRT 3, nagkaroon ng electrical failure ang motor ng tren alas-10:37 ng umaga sa Santolan-Annapolis station north bound.
    Ang mga pinababang pasahero ay sumakay sa sumunod na tren na dumating makalipas ang anim na minuto.
    Posible umanong mayroon nasira ang electrical sub-component ng motor dahil sa kalumaan.

Read more...